Pinasinayaan noong Miyerkules, Oktubre 15, 2014, ang isang malaking monumento bilang alay sa mga nasawi sa malakas na lindol na tumama sa Bohol noong nakaraang taon.

Ang landmark ay matatagpuan sa Banat-e Hill sa lungsod ng Tagbilaran, Bohol.

Sinabi Michael Ortega Ligalig, residente ng Tagbilaran, na makapanindig- balahibo ang paggunita dahil nagbalik-tanaw sa masaklap na pangyayari sa kanilang lugar.

Ayon kay Ligalig, ang monumento ay may nakaukit na mga mensahe at ang mga paglalarawan sa kabuuang pangyayari.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Ang Banat-e Hill ay may taas na 1,000 talampakan at dito rin nakatayo ang malalaking cellsite

Maituturing na historical ang landmark sapagkat ang mga Boholano at ang mga turista ay pwede magsagawa ng pilgrimage patungo sa nasabing bundok.

Tumama ang 7.2 magnitude na lindol sa Bohol at Central Visayas na kumitil ng mahigit sa 200 katao at nagdulot ng maraming pinsala sa mga ari-arian.