Sinimulan natin kahapon ang pagtuklas sa mga bagay-bagay tungkol sa ating paningin. Sa ating limang pandama (pansalat, panlasa, pandinig, pang-amoy, at paningin), ang paningin ang halos hindi natin binibigyang pansin. Sa lahat ng ating pang-araw-araw na gawain, ginagamit natin ang ating paningin. Narito pa ang ilang bagay na nakalap ko mula sa Funzug.com tungkol sa ating mga mata - ang ating pinakamahalagang pandama:

  • Sa edad na 7, fully-developed na ang mga mata. - Paghantong natin sa edad na pito, fully-developed na ang ating mga mata. Kaya hanggang maaga pa, kailangang malaman kung alin sa mga mata ang tinatawag na lazy eye o ang matang mahina. Kapag maaga pa ay na-diagnose na kung alin ang lazy eye, mas malaki ang pagtugon nito sa gamot dahil nagde-develop pa lamang ang mata at kaya pa nitong mapabuti. Lampas pitong taong gulang, hindi na magagamot o mapahuhusay pa ang paningin.

  • National

    FPRRD sa 2025 national budget: 'There's something terribly wrong!'

  • Kumukurap ang mata nang halos 15,000 beses isang araw. - Automatic na tayong kumukurap. Ang pagkurap ay semi-voluntary. Ang pagkurap ay sadyang napakahalaga dahil tumutulong ito sa pagtanggal ng puwing o dumi sa ating mga mata sa pagkalat ng preskong luha sa buong paligid nito. Naghahatid ang luha ng preskong oxygen sa ating mga mata at may anti-bacterial properties ito. Maikukumpara ito sa wiper ng windshield ng isang kotse, nililinis at tinatanggal ang anumang bagay upang makita ng driver nang maliwanag ang daan.
  • Nagkaka-cataract habang tumatanda. - Normal lamang ang magkaroon ng cataract habang tumatanda ang tao, at lahat tayo ay maaaring magkaroon niyon. Puwede mong isipin na ang cataract ay katulad lamang ng pagputi ng buhok, at normal lamang iyon. Unang nagkakaroon ng cataract mula 70 anyos at paghatong sa 80 anyos, garantisadong magkakaroon na ng cataract. Hindi ba mahirap maghanap ng isang 80-ayos nang walang puting buhok? Ang cataract ay ang unti-unting pagkakaroon ng maputing ulap sa lens ng ating mga mata. At gugugol ng halos sampung taon mula sa pagkakaroon nito bago pa ito mangangailangan ng treatment.

Bukas uli.