Huhulihin na ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) ang mga kolorum at mga out of line na provincial bus papasok sa Metro Manila simula ngayong Biyernes, Oktubre 17, 2014, ganap na 5:00 ng umaga.

Ito ay makaraang pumaso ang palugit ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa mga may-ari ng bus para maitama ang kanilang mga ruta.

Nagbanta ang hepe ng LTFRB na si Winston Ginez na huhulihin ang mga pasaway na bus unit sa ilalim ng Joint Administrative Order (JAO) ng DOTC-LTO-LTFRB para sa mga kolorum na bus lalo na ang provincial buses.

Sa direktiba ng LTFRB, sa SCTEX, NLEX at SLEX na lang dadaan ang provincial buses at ang susuway sa JAO ay may kaukulang multa habang ang mga colorum at out of line na bus ay may P1 milyon penalty batay sa nasabing kautusan.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Umaabot sa 8,900 provincial buses ang nabigyan ng franchise ng LTFRB sa buong bansa.