TARLAC CITY- Kasabay ng nalalapit na Kapaskuhan, paiigtingin ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Veterinary Office (PVO) ang kampanya kontra pagbebenta ng ilegal na karne.

Ayon kay Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado, sa tulong ng mga nasasakupang pamahalaang bayan ay magdaragdag sila ng meat monitoring at inspection team sa iba’t ibang katayan at pampublikong pamilihan.

Kaugnay nito, inilahad naman ni Provincial Veterinarian Voltaire Basinang na mahigpit nilang ipinatutupad ang Provincial Hot Meat Ordinance na nagbabawal sa transportasyon at pamamahagi ng mga double-dead na karne.

Pinaaalalahanan ni Basinang ang mga mamimili na hanapin ang seal of inspection at meat inspection certificate upang masiguro ang kaligtasan nito.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente