Sinabi ng isa sa dalawang German na bihag ng mga militante sa Mindanao noong Miyerkules na itinatago siya sa isang malaking hukay sa ilalim ng lupa at sinabihang ito na ang kanyang magiging libingan dahil hindi naibigay ang kanyang ransom.
Ang doktor at ang isang babaeng German ay dinukot ng mga Abu Sayyaf noong Abril sa kanilang yate sa isla ng Palawan habang patungo ng Sabah sa silangan ng Malaysia.
Pinaniniwalaang sila ay itinatago sa isla ng Jolo.
Sinabi ni Abu Rami, tagapagsalita ng Abu Sayyaf, na papatayin ng grupo ang doktor, 3 p.m. ngayong Biyernes dahil hindi naibigay ang P250 milyon ransom na hinihigi nila sa itinakdang deadline noong nakaraang Biyernes.
Kasama rin sa demand ang pagtigil ng suporta ng Germany sa US-led air strikes sa Syria.
Ngunit hinikayat din ni Rami si Foreign Secretary Albert del Rosario na makipagnegosasyon, nagbigay ng pagasa para sa posibleng solusyon.
Si Del Rosario ay nasa Europe noong Miyerkules at wala pang ibinibigay na pahayag.
“They told me on Friday they will kill me,” sabi ng doktor sa isang panayam sa istasyon ng radio sa Zamboanga City.
“I’m here in a hole. It’s a big hole three metres (10 ft)(by) five metres. They told me this is my grave. They push me inside the hole.
“… I hope I will still get out from here… but I have not seen anyone from the government to get into the situation that tries to get us out.”
Sinabi niya na nangangayayat na siya at halos walang kinakain at 10 armadong kalalakihan ang nakabantay sa kanya 24 oras kada araw. Inihiwalay siya sa babaeng bihag noong Lunes.
Ito ang ikalawang pagkakataon na ang German ay nagsalita sa isang commercial radio simula nang pumaso ang deadline noong Biyernes.
Ngapadala na si AFP chief of staff General Gregorio Catapang ng pitong batalyon ng sundalo at Marines sa isla para tumulong sa pagpapalaya ng mga bihag.
“We should take them seriously,” aniya tungkol sa mga militante. “Our intelligence is on the ground validating information and to locate them.” - Reuters