Hiniling ni dating Sandiganbayan Associate Justice Gregory S. Ong sa Korte Suprema na baliktarin ang unang desisyon nito sa pagsibak sa kanya sa serbisyo dahil sa gross misconduct, dishonesty at impropriety.

Subalit tumangging ipalabas sa media ang motion for reconsideration na inihain ni Ong dahil nananatiling confidential ang mga administrative at disbarment case na isinampa laban sa mga miyembro ng hudikatura hanggang hindi ito pinal na nareresolba.

Sinibak si Ong ng Korte Suprema bunsod ng kaugnayan nito kay Janet Lim Napoles, na itinuturong utak ng multi-bilyong pisong pork barrel scam, bago at matapos madesisyunan ng Sandiganbayan, kung saan ang sinibak na mahistrado ay tumatayo pang chairman, ang kaso laban sa kontrobersiyal na negosyante.

Lumitaw sa desisyon ng Korte Suprema na nilabag ni Ong ang mga probisyon ng New Code of Judicial Conduct for the Philippine Judiciary (NCJCPJ).

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ipinagutos din ng Kataastaasang Hukuman ang pagbawi sa lahat ng retirement benefit, maliban sa accrued leave benefit kung mayroon man,

Ang pagkakaugnay ni Ong kay Napoles ay nabuking sa isinagawang Senate Blue Ribbon Committee hearing noong Setyembre 26, 2013 base sa testimonya ng mga whistleblower na sina Benhur Luy at Marina Sula. - Rey G. Panaligan