Masidhi ang pangangailangan para sa malawakang information at education campaign para sa ating mga kababayan na maunawaan ang ating kinabukasan sa pagsisimula ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) na isama ang ang sarili nito sa iisang merkado sa susunod na taon. Binuo ang ASEAN noong 1967 na kinabibilangan ng Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, the Philippines, Singapore, Thailand an d Vietnam.

Isa sa mga layunin ng ASEAN Economic Community (AEC) ay ang magtatag ng isang market and production base na titiyak sa malayang pagkilos ng ASEAN goods, tao, kapital at serbisyo sa iba’t ibang bansang kasapi nito na pakikinabangan ng lahat ng mamamayan sa rehiyon.

Sapagkat seryoso ang mandato ng ASEAN economic integration, kailangang kumilos ang ating mga leader upang maturuan ang ating mga kababayan tungkol sa AEC. Ang nakalulungkot, parang kakaunti lamang sa mga opisyal ang interesado sa ASEAN integration. Kabilang sa kakapiranggot na ito na aktibo at nakikita sa pagtataguyod ng kahahalagahan nito ay sina DTI Undersecretary Adrian Cristobal, Jr.; dating Congressman Allen Salas Quimpo, currently president ng Northwestern Visayan Colleges; at si Atty. Dominador D. Buhain, president ng Jakarta-based ASEAN Print Association.

Masugid na tagahimok si Cristobal sa mga pamahalaang lokal, trade organizations at iba’t ibang institusyon para sa pagsilang ng AEC. Si Quimpo naman, na dating chairman ng Kongreso na responsable sa paglikha ng isang permanenteng tanggapan ng ASEAN sa Aklan sa pakikipagtulungan ni Atty. Plaridel Morania na dating miyembro ng Aklan Sangguniang Panglalawigan. Si Buhain naman, sapagkat bihasa sa tungkulin ng industriya ng paglilimbag sa operasyon n AEC, regular na nagdaraos ng mga seminar at workshop hinggil sa AEC.

National

32 katao naitalang naputukan; FWRI cases sa bansa, pumalo na sa 101!

Napapanahon na upang gamitin ang kahusayan at commitment nina Cristobal, Quimpo at Buhain upang maglingkod bilang mga czar ng ASEAN Integration.

* * *

Binabati natin si dating Taytay, Rizal Vice Mayor Fernando Cabitac, Best Class president ng Taytay Rotary Club, dahil sa tagumpay ng kanyang makataong mga inisyatiba.