NU-Champs_02pionilla-550x409

Nawa’y maging simula ito ng isang mas malaking pagbabago para sa maliit lamang na komunidad ng National University (NU).

Ito ang pag-asang nasambit ni Bulldogs coach Eric Altamirano makaraan niyang gabayan ang koponan sa isang makasaysayang kampeonato sa pagtatapos ng UAAP Season 77 basketball tournament noong nakaraang Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

Tinalo ng Bulldogs ang FEU Tamaraws, 75-58, sa Game Three upang tapusin ang finals series sa 2-1 at tapusin na rin ang 60 taong title drought ng unibersidad sa men’s basketball ng UAAP.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Nais ding ialay ni Altamirano ang lahat ng kanilang natamo para sa mga dating manlalaro ng NU na noo’y nagsilbi at tinaguriang “whipping boys” ng liga.

“It’s a breakthrough. I hope this is just the start for NU. The culture and winning tradition is there. Hopefully, it will follow,” ani Altamirano.

Ipinagmamalaki rin ni Altamirano na nagkataong miyembro ng koponan nang huling makatikim naman ng kampeonato ang kanyang alma mater na University of the Philippines (UP) noong 1986 na bahagi siya sa naging pagbabalik ng “pride” ng buong NU community.

“Noon kasi kapag sinabing player ka ng NU, parang nahihiya sila, pero ngayon nakikita ko, proud na silang magsuot ng kanilang school colors,” ayon pa kay Altamirano.

“Para sa kanila ito,” giit pa ni Altamirano na tinutukoy ang lahat ng mga dating player ng Bulldogs na karamihan ay sumubaybay at sumuporta sa kanila, partikular sa serye ng kampeonato nila ng FEU. “For all the players na nagdaan sa NU na na-riridicule sila, pinagtatawanan sila dati, ‘yung frustration nila of not winning, lahat ng paghihirap nila, naiisip namin ‘yun ngayon.”