Mahaharap sa posibleng deportasyon pabalik sa kani-kanilang bansa ang 50 dayuhan na inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration-Intelligence team sa isang raid sa pinagtatrabahuang call center ng mga ito sa Makati City kahapon.

Patuloy na inaalam ng BI sa kanilang kustodiya ang mga naarestong dayuhan na karamihan ay nagmula sa Cameron, Ivory Coast at Mauritius kung may kaukulang dokumento ang mga ito na nagpapahintulot na makapagtrabaho sa Pilipinas.

Isa-isa ring beneberipika ng awtoridad kung may criminal records ang mga nadakip.

Sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, sinasabing pawang turista ang mga hinuling dayuhan kaya hindi maaaring magtrabaho sa bansa.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ni-recruit ang mga dayuhan para sa French-speaking countries at tumatanggap ng P30,000 hanggang 60,000 buwanang sahod.

Iginiit ng mga dinakip na dayuhan na mayroon silang hawak na papeles para legal silang makapagtrabaho sa bansa.