Pinataob ng Rizal Technological University (RTU) ang nakaraang taong kampeon na San Beda College Alabang, 25-21, 25-18, 25-20, upang makamit ang titulo ng 45th WNCAA senior volleyball crown na dinaos sa Rizal Memorial Coliseum.

Nauna nang nagwagi ang top seed San Beda sa series opener, 25-13, 25-23, 25-14, bago naitabla ng RTU ang serye matapos ang 27-25, 27-25, 13-25, 25-19 panalo sa Game 2.

Sa midgets division, nagtabla naman ang Miriam College (MC) at ang St. Paul College (SPC) Pasig matapos magwagi ang St. Paul sa Game 1, 25-19, 25-16, at bumawi naman ang Miriam sa Game 2, 12-25, 25-22, 25-21.

Namayani rin ang Miriam sa junior finals opener kontra sa St. Scholastica’s College (SSC), 25-17, 21- 25, 25-18, 25-19.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nakamit naman ng San Beda ang tropeo para sa third place nang talunin ang dating kampeon na De La Salle Zobel, 22-25, 25-9, 25-16, 25-20.

Sa midgets basketball, naiuwi naman ng DLSZ ang kanilang ikaapat na sunod na titulo makaraang walisin ang finals series nila ng St. Stephen’s High School SSHS), 35-11, kasunod ng kanilang 41-17 panalo sa series opener.

Pinatalsik naman ng host La Salle College Antipolo ang dating kampeon na Chiang Kai Shek College (CKSC) sa junior basketball matapos iposte ang 51-46 sa Game 3.

Nakauna pa ang CKSC sa serye, 54-50, bago tumabla ang LSCA sa Game 2, 76-61.

Nahirang na Most Valuable Players sina Shana Marie Costillas ng RTU (senior volleyball), LSCA cager JC Mae Riel sa (junior basketball) at Akemi Marteja ng DLSZ (midgets basketball).

Samantala, sa junior futsal, idedepensa ng DLSZ ang kanilang titulo kontra sa Miriam sa kanilang winner-take-all finals match sa Linggo.