Nagpalabas ng P50,000 pabuya ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa sinumang makapagtuturo sa holdaper ng tinaguriang “Pandesal Boy”na naging viral ang video sa Internet.

Ayon kay Mayor Oscar Malapitan, ang nasabing pabuya ay laan sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan o makakahuli sa suspek na nang-holdap sa bata sa Bagong Silang Caloocan City.

Bagaman nakakuha ng footage sa CCTV ( closed circuit television camera) ang Caloocan Police, ay hindi naman ito namukhaan dahil nakatalikod ang suspek.

Ang 13-anyos na biktima na binansagang “Pandesal Boy” ang sumusuporta sa kanyang pag-aaral sa pamamagitan ng paglalako ng pandesal, kaya naman labis ang kalungkutan ng ina nito dahil tila nawalan na ng gana ang bata na mag-aral at magtinda sanhi ng insidente.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente