Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Occidental Mindoro kahapon.
Sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 8:05 ng umaga.
Ang epicenter nito ay natukoy sa layong 25 kilometro Timog-Kanluran ng Looc, Occidental Mindoro.
Aabot sa apat na kilometro ang lalim na nilikha ng lindol na tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman din ang Intensity III sa Lubang Island, Occidental Mindoro.