Inihayag ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang pagkakabit nito ng rain gauge sa mga paaralan sa mga bayan ng Obando, Marilao at Bocaue para mapabuti ang kakayahan ng nasabing mga lugar laban sa bagyo o malakas na ulan.

Nauna rito, sumailalim muna ang mga guro at estudyante ng Obando National High School, Marilao National Trade School at Illuminada Roxas Mendoza Memorial National High School sa Bocaue sa orientation tungkol sa Project: SHINE (School Hydrological Information Network) na bahagi ng community-based Flood Mitigation and Management Program ng probinsiya.

Ayon kay PDRRMC Officer Liz Mungcal, pinapalakas ng SHINE ang kamalayan at kakayahan ng mga komunidad at paaralan sa pagmo-monitor ng dami ng buhos ng ulan, water level gauges, at tracking ng bagyo.
National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza