Idineklara ni Pope Francis na “Minor Basilica” ang Shrine of Our Lady of the Rosary of Manaoag sa Pangasinan, ilang buwan bago ang pinakaaabangang pagbisita ng Papa sa Pilipinas sa Enero 2015.

Inihayag noong Lunes ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa Twitter ang balita.

Mapapahanay na ang dinarayong simbahan ng Manaoag sa iba pang Minor Basilica sa Pilipinas, gaya ng Manila Cathedral sa Intramuros, Manila; Basilica de San Martin de Tours sa Taal, Batangas; San Sebastian Church sa Quiapo, Maynila; Basilica del Santo Niño sa Cebu City; at Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo, Maynila. - Leslie Ann G. Aquino

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho