Sa renewal ng driver’s license, agad kong hinanap ang mga fixer na karaniwang naglipana sa Land Transportation Office (LTO) at sa iba pang tanggapang kauri nito. subalit isa man sa kanila ay walang kumalabit sa akin upang sana ay maging katuwang ko sa pagsasaayos ng aking lisensiya sa pagmamaneho.

Sa aking pagkamangha, isang kawani ng LTO branch sa sM north ang mabilis na umasikaso sa akin at sa loob lamang ng wala pa yatang isang oras, natapos ang renewal ng aking lisensya. naisagawa ang lahat ng dapat gawin, tulad ng pagsusuri sa paningin, pagpapakuha ng larawan, at iba pa. Wala akong personal na kaibigan o kakilala sa naturang tanggapan, subalit gayon kadali at kabilis ang naturang transaksiyon. naitanong ko sa sarili: ganito rin kaya sa ibang branch ng LTO? at sa iba pang tanggapan ng gobyerno? Mahirap paniwalaan.

Sa Bureau of Customs, halimbawa, madalas iulat na ang mga fixers ang kinakasangkapan sa talamak na smuggling ng bigas, sibuyas at iba pang produkto mula sa iba’t ibang bansa. Kahit na sa mga husgado, sinasabi na may mga fixer na umaayos ng mga kaso. Nahiwatigan ito sa isa sa mga public hearing na isinasagawa sa senado hinggil sa mga anomalya na kinasasangkutan ng mga opisyal ng gobyerno.

Sa mga Bids and awards Committee (BaC) ng iba’t ibang opisina ng pamahalaan, laging umaaligid ang mga fixer upang makisawsaw sa masasalimuot na mga transaksiyon. Sa department of Public Works and Highways (DPWH), mismong si secretary Rogelio singson ang nagbunyag na ang mga fixer ay maykoneksiyon sa mga opisyal at kawani ng nabanggit na tanggapan. Walang kagatul-gatol na sinabi niya na ang mismong mga fixer ang unang nakakakuha ng kopya ng special allotment Release Orders (SAROS) mula sa department of Budget and Management (DBM). Ang nasabing dokumento ang batayan ng pagpapalabas ng pondo o cash allotment.

National

4 na senador, binawi ang pirma sa Adolescent Pregnancy Bill

Nangangahulugan lamang ito na ang nabanggit na mga tauhan ng pamahalaan at ang mga fixers ay magkakasabwat sa mga katiwalian na matagal nang kinasusuklaman ng mga mamamayan. Hindi na ba ito masusugpo?