Minsang nagtanong sa akin ang teenager kong pamangkin: “Tita Vivi, sa five senses mo, alin ang ayaw mong mawala?” sa tanong na iyon ako nakapag-isip ng todo-todo. at marahil, ang maisasagot mo rin ay ang iyong paningin. Sa ating limang pandama (pansalat, panlasa, pandinig, pang-amoy, at paningin), ang paningin ang halos hindi natin binibigyang pansin. Sa lahat ng ating pang-araw-araw na gawain, ginagamit natin ang ating paningin.

At dahil nakanti ng aking pamangkin ang bahagi ng aking utak na mapaghanap ng kasagutan, ginalugad ko ang internet. At narito ang ilang bagay na nakalap ko mula sa Funzug.com tungkol sa ating mga mata - ang ating pinakamahalagang pandama:

  • Kailangan ng lahat ang reading glasses habang tumatanda. - Kung binabasa mo ang column na ito at ikaw ay nasa pagitan ng 35-45 anyos na nang walang reading glasses (salamin) ngunit halos tuwid na ang iyong braso sa paghawak ng pahayagang ito, malamang na mangangailangan ka nang magsalamin sa darating na panahon. Karamihan sa working class sa edad mula 43-50 ay nagsasalamin na. ang dahilan: Habang tumatanda ang tao, nawawala ang abilidad ng lens na mag-focus. Upang mag-focus sa mga bagay na malapit sa iyo, kailangang magbago ng anyo ang lens mula sa flat hanggang maging halos spherical o bola. Nawawala ang abilidad ng lens na magbago ng anyo sa pagtanda. Kapag humantong ka na sa edad na 45, inilalayo mo na sa iyong mukha ang iyong binabasa upang umayos ang iyong focus.
  • National

    UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

  • Mas mabilis ang lens ng iyong mga mata kaysa kahit na anong uri ng lens ng camera. - sa likod lamang ng pupil nakalagay ang natural lens ng iyong mga mata na ang tanging tungkulin ay ang mag-focus sa mga bagay na iyong tinitingnan. Sa tuwing titingin ka sa mga bagay sa iyong paligid na may iba’t ibang distansya mula sa iyo, mabilis na nagbabago ang focus ng iyong mga mata nang hindi mo nalalaman. Gumugugol ang camera lens ng ilang segundo upang magpalit ng focus mula sa isang bagay patungo sa susunod. Mabuti na lamang mabilis magbago ng focus ang ating mga mata, at kung hindi, malamang na hindi natin alam kung malapit o malayo ang mga bagay sa ating paligid.

Marami pa sa susunod.