John-Lloyd-Cruz1

HINDI kami nakadalo sa premiere night The Trial ng Star Cinema sa sa SM Megamall noong Martes ng gabi kaya nakibalita na lang kami through text sa mga nanonood na halos iisa ang sinasabi:

"Grabe, Ate Reggee, nakakaiyak at sobrang tahimik lahat. Di ba 'pag premiere night maiingay ang fans, dito sa The Trial, tahimik, nag-aabang sa susunod na mangyayari," sabi ng isa.

"Ha-ha, walang tumayo para magbanyo, nakatutok lahat, nag-iiyakan na," sabi naman ng isa pa.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sabi pa nila, ang galing-galing ng gumanap ng magulang ni John Lloyd Cruz na sina Sylvia Sanchez at Vince de Jesus.

"Bagay pala kay Sylvia maging tomboy, ha-ha-ha, 'kakatawa sila ni Vince, bakla't tomboy," sabi ng isang supporter ni John Lloy, na siyempre pa, abut-abot ang papuri sa aktor. "Grabe, ang galing-galing talaga ni John Lloyd, ibang klase talaga 'pag John Lloyd Cruz ang umarte, halimaw talaga.

"Siguro naman sure na best actor na si LIoydie sa next year, wala naman sigurong tatalo na, kasi sa The Mistress, natalo siya."

Ito rin ang komento ng mga tagaproduction na nakatrabaho ng aktor sa The Trial.

"'Pag John LIoyd Cruz ang artista mo, wala ka nang hahanapin pa, hindi mo na siya kailangang paalalahanan ng gagawin niya, hindi mo na siya kailangang turuan kasi alam niya ang gagawin niya. At on time siya sa set, hindi siya late."

Kinumusta namin ang performance at highlights ng iba pa sa cast ng The Trial.

"Given namang magaling na sina Goma (Richard Gomez), Vivian Velez, si Gretchen (Barretto) okay namang umarte na, sina Jessy (Mendiola) at Enrique (Gil) okay din," sabi sa amin.

Kumonti at naputol nga raw ang eksena ni Greta dahil kung hindi babawasan ay aabutin ng tatlong eras at kalahati ang pelikula.

At siyempre, pinuri nang husto ang direktor na sinasabing henyo, si Direk Chito Rono. Teka, siyempre hindi mabubuo ang pelikula kung wala ang napakagandang istorya na sinulat nina Enrico Santos at Kris Gazmen, di ba, Bossing DMB.