NAG-PUBLIC appearance na agad ang inyong lingkod, sa premiere night ng The Trial noong Martes, kahit namamaga pa ang aking dalawang mata after an eye operation at St. Luke’s.

Hindi ko puwedeng palampasin ang kakaibang combination nina John Llyod Cruz, Gretchen Barretto, Richard Gomez, at Jessy Mendiola na habang nasa ospital ay pinakinggan, yes, pinakinggan (dahil, may benda pa ang aking mga mata) sa TV ang interviews nila kasama ang attending nurses ko na pinangangakuan ko ng passes paglabas ko ng hospital. Tulad ko, inaabangan din nila ang The Trial.

Anyway, hindi ako nabigo sa napanood ko. Hanep namang talaga ang acting ni John Llyod, pero hindi maikakaila na binuhay uli ni Richard Gomez ang dugo ng dati niyang mga tagahanga. Muli niyang pinaiyak ang moviegoers sa isang matinding eksena na binigyan siya ng extreme close-up ni Direk Chito Roño. Ibibitin ko kung ano ang eksenang nagpadaloy ng kanyang luha, dahil tiyak na magagalit kayo sa akin. Ayokong ma-preempt ang eksenang iyon sa inyo dahil gusto kong maramdaman n’yo rin ang naramdaman ko.

Gusto ko lang kayong ihanda, dahil may katulad na eksena ring ganito si Gretchen Barretto na tiyak ding paluluhain kayo. Pero tiyak kong mamahalin nang todo-todo ng mga manonood sina Richard at Gretchen sa pelikulang ito.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

After so many movies and TV series, ngayon lang nakapag-deliver si Gretchen ng ganito kahusay.

“Tita Chit, kailangan kong galingan dahil baka ako mapag-iwanan nina Richard at John Lloyd. Kung kabisado ko na si Richard noong gawin namin ang pelikula sa Regal Films at sa Seiko Films, napakaraming taon na ang lumipas para hindi ko rin ibigay ang talent kong matagal na palang nakakatago,” pagtatapat ng napakaganda pa ring aktres.

“Kasama ko pa naman si Tonyboy (Cojuangco), ayokong mapahiya. Kung hindi ako nakakatiyak na magiging proud siya sa akin, hindi ko siya iimbitahin,” patuloy na kuwento ni Greta. “Sa shooting pa lamang, nang yakapin ako ni Direk Chito after the take, nakahinga ako nang maluwag. I knew I made it. The other scene, when John Lloyd tried to rape me, another feather to my cap din iyon, magyayabang na ako. Struggle talaga iyon, pero nakita ko kay John Lloyd ang satisfaction na inaasahan ko. I have another movie for Star Cinema, and I’m looking forward to doing it, dahil uulit-ulitin ko ang galing ko, ha-ha!

“You should be proud of me too, dahil, ikaw, Tita Chit ang kaunaunahang PRO ko sa Regal Films. I remember that I was only 13 years old and I’m forty four years old na. It’s about time you be proud of me too!”

Nahalata ni Gretchen na hindi ako makaalis-alis sa tabi niya. At natawa siya.

“’Kita mo, hindi ka rin makaalis-alis sa tabi ko. You must be proud of me too,” aniya na sinuklian ko ng mahigpit na yakap.