Ni ANNA LIZA VILLAS ALAVAREN

Tutulong ang Japan International Cooperation Agency (JICA) sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa rehabilitasyon ng Effective Flood Control Operation System (EFCOS) na hindi na pinakikinabangan simula nang mawasak ito ng bagyong ‘Ondoy’ noong 2009.

Ang EFCOS ay nagsilbing flood warning system para sa mga bahaing lugar sa Metro Manila, partikular sa Pasig River, Marikina River, Manggahan floodway at Laguna de Bay.

Subalit ilang bahagi ng EFCOS ang nawasak ng bagyong Ondoy noong 2009.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nahirapan umano ang MMDA na maibalik ang serbisyo ng pasilidad dahil na rin sa kakulangan sa budget.

“The JICA returned after two years. After a thorough study, they found the need to revive the system,” pahayag ni MMDA Chairman Francis Tolentino matapos lagdaan ang memorandum of agreement kasama ang mga opisyal ng JICA.

Magsisimula ang rehabilitasyon ng EFCOS sa Enero 2015, na babalikatin ng gobyerno ng Japan ang kagamitang kakailanganin sa rehabilitasyon ng pasilidad na aabot sa P74 milyon.

Samantala, ang MMDA ang mangangasiwa at magmamantine ng sistema, ayon sa nilagdaang kasunduan.