TAMA ang hula namin na mataas ang ratings ang finale ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon noong nakaraang linggo. Pumalo ito sa 27.3%, isinadsad ng 13 points ang Hiram Na Alaala (14%) na katapat nita sa GMA-7.
Panalo rin ang huling gabi ng SBPAK sa social networking sites, naging worldwide trending topic sa Twitter ang official hashtag ng palabas na #SBP AK1Self dahil sa buhos ng mga positibong reaksiyon ng netizes sa ending ng teleserye.
Satisfied ang mga sumubaybay sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon sa pagkakamit ni Rose (Bea Alonzo) ng hustisya para sa pagkamatay ng kanyang ama (Chinggoy Alonzo) at ng abogadang si Emmanuelle (ginampanan din ni Bea). Nagustuhan ng audience ang panibagong simula ng pagsasama nila ni Patrick (Paulo Avelino).
Congratulations sa mga direktor nito na sina Trina Dayrit at Jerome Pobocan at sa suporta rin ng mga bida na sina Albert Martinez, Dina Bonnevie, Tonton Gutierrez, Maricar Reyes, Malou Crisologo, Nikki Valdez, Francis Magundayao, Michelle Vito at ang mga beteranong sina Eddie Garcia, Anita Linda, at Susan Roces.
Siyempre hindi naman mabubuo ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon kung wala ang Dreamscape Entertainment sa pangunguna nina Deo Endrinal, Rondell Lindayag at Reggie Amigo.
Sa mga tagahanga ng Dreamscape TV, maaaring sundan ang kanilang present and future projects sa kanilang official social media accounts sa Instagram.com/DreamscapePH at Twitter.com/DreamscapePH.