Tiwala si House Committee on Energy chairperson, Oriental Mindoro Rep. Reynaldo V. Umali na ipapasa na ng Kongreso sa ikatlong pagbasa sa Oktubre 29 ang panukalang magbibigay ng emergency power kay Pangulong Benigno S. Aquino III upang masolusyonan ang nakaambang krisis sa enerhiya sa 2015.

Sa panayam sa Club Filipino matapos ang pagpupulong ng mga opisyal ng Department of Energy (DoE) at Energy Regulatory Commission (ERC), sinabi ni Umali na isusulong nila ang mga epektibong hakbang para matugunan ang krisis sa tag-init sa susunod na taon.

Kabilang dito ang pagbili o pagupa ng mga generator set, pagsusulong sa interruptible load program o ILP, pagkakaloob ng emergency power kay Pangulong Aquino at pagtitipid ng sambayanan.

“We have reached many points of agreement,” pahayag ni Umali.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“We have asked (Energy) Secretary (Jericho) Petilla to give us ammunitions to defend it,” dugtong ni Umali.

Inihayag naman ni Petilla na pinaninindigan ng kagawaran ang nauna nitong pahayag na bigyan ng emergency power si PNoy dahil aabot hanggang 900 megawatts ang kakulangan sa supply ng kuryente sa summer months sa 2015.

Siniguro naman ni ERC Executive Director Atty. Francis Saturnino Juan na mapoprotektahan ang kapakanan ng consumer sa anumang hakbang na ipatutupad para masolusyunan ang power crisis.

Naiulat na bukod sa Senado, tutol ang ilang pribadong grupo sa pagkakaloob ng emergency power kay Pangulong Aquino dahil maaari umano itong maabuso.