Mismong si Pope Francis ang pumili kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle upang maging isa sa tatlong delegate president sa Synod of Bishops na tututok sa usaping pampamilya.
Ayon kay Fr. Nono Alfonso ng Jesuits Communications Foundations, maaaring napabilib ang Santo Papa sa pagiging matinik ni Tagle sa doktrina ng Simbahan bilang dating naging bahagi ng International Theological Commission, kaya’t personal niya itong pinili para sa naturang pwesto.
Isa sa adbokasiya ni Tagle ang katatagan ng pamilya na pundasyon ng matibay na pananampalataya at maayos na bansa.
Ang Synod of Bishops, na tumatalakay sa mga isyung pampamilya tulad ng same sex marriage, aborsiyon, diborsyo, annulment, contraceptives at iba pa na isaisahin ni Pope Francis sa ilalabas niyang kasulatan, ay magtatapos sa Oktubre 19.