The-Professor

Mahigit 10 taon mula nang unang bumisita sa Pilipinas, sabik nang magbalik ang alamat ng streetball na si Grayson Boucher upang muling makapiling ang kanyang Pinoy fans.

Mas kilala sa streetball fans bilang “The Professor,” unang dumating sa Manila si Boucher noong 2004 bilang bahagi ng tour ng kanyng dating koponan. Sa pagkakataong ito, si Boucher ay darating kasama ang Ball Up Streetball All-Stars na bibitbitin ang Team Gawad Kalinga, na igigiya ni dating National Basketball Association (NBA) MVP Allen Iverson, laban sa local selection sa isang charity basketball event na layong makakalap ng pondo upang makapagtayo ng mga bahay para sa mahihirap na pamilyang Pilipino.

Makakalaban nila ang Team PCWorx na binubuo naman ng mga manlalaro na mula sa UAAP, sa pangunguna ni reigning MVP Kiefer Ravena ng Ateneo, at NCAA at magsisilbi bilang reinforcements ang mga dating superstars ng PBA na si Jerry Codinera, Marlou Aquino, Wilie Miller at Renren Ritualo, gayundin ang dating NBA superstars na sina Eddy Curry at DerMarr Johnson para sa fundraiser na tinaguriang “All In.” Ang nasabing event ay magaganap sa Nobyembre 5 sa ganap na alas-7:00 ng gabi sa Mall of Asia Arena.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Isa sa inaasahan ni Boucher sa kanyang pagbabalik ay ang mainit na pagtanggap ng mga Pinoy.

“I’m most looking forward to the crowd energy during the game. I remember the games I had in Manila about 10 years ago. They were incredible because the fans were so excited!” sinabi ni Boucher sa e-mail.

Dagdag ni Boucher, na bukod sa kanyang unang pagbisita may isang dekada na ang nakararaan, alam niya kung gaano kapopular ang laro ng basketball sa bansa dahil sa social media.

“Yes, I’m very aware of the popularity of basketball in the Philippines. Mainly because of social media. A huge percentage of my (online) viewers and international fans are Filipinos,” ani Boucher.

Inilahad din niya kung gaano siya kalaking tagahanga ni Iverson, na dati nang nakasama ng Ball Up, at excited na itong makabalik ng Manila upang muling ipakita ang galing sa court sa harap ng mga Pinoy kasama ang idolo.

“It’s an incredible experience and an honor for me to work with Allen because he was one of the first players I tried to emulate on the basketball court. When I was in 6th grade, I was known as the little white kid with the crazy AI crossover. So his career had tremendous influence over how I played and how my game developed as a youth.”

“To my Filipino fans, I am very thankful of your support and truly appreciate it. And I’m humbled that God is allowing me to return to the Philippines to play once again, more than 10 years after my first time visiting there. Look forward to seeing everyone soon!”

Samantala, mabibili pa rin ang mga tiket para sa “All In” charity game, handog ng PCWorx, online sa www.smtickets.com, sa lahat ng SM Tickets outlets, at piling mga sangay ng PCWorx. Ang mga tiket ay mabibili sa presyong P6,500 (VIP), P5,500 (Patron), P4,000 (Lower Box), P2,000 (Upper Box) at P600 (General Admission).