Bumagsak sa kamay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang barangay kagawad matapos maaktuhang nagtutulak ng shabu sa Catbalogan City.

Ayon kay PDEA Director General Arturo G. Cacdac, kinilala ang suspek na si Jose Valles Pilapil, alyas “Jose Velarde,” kagawad ng Barangay Salog Segunda, Catbalogan City.

Dakong 6:00pm kamakalawa nang ihain ang warrant of arrest kay Pilapil ng mga elemento ng PDEA Regional Office 8 (PDEA RO8) sa pamumuno ni Director Laurefel P. Gabales, Western Samar Provincial Police Office (WSPPO) at Catbalogan City Police Station sa bahay ng suspek sa Barangay Uno.

Base sa isang buwang surveillance na isinagawa ng awtoridad, nabatid na si Pilapil ay matagal na nagtutulak ng ilegal na droga sa Tacloban City base sa isang police informant.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Si Pilapil ay nakapiit ngayon sa detention cell ng PDEA RO8 matapos sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.