Oktubre 16, 1940, nang si senior Nazi officer Hans Frank ay nag-atas sa halos 400,000 Jews sa Warsaw, Poland na manirahan lamang sa mga piling lugar -- sa “ghetto” -- na sakop ng nasabing lungsod.
Ang ghetto ay isang lugar na ang bawat indibidwal ay gumagalaw sa masisikip na espasyo, mayroong kumakalat na nakahahawang sakit, at walang supply ng gamot. Ang ghetto ay isinara sa mga tagalabas noong Nobyembre 16, 1940.
Ang Jewish Council ng ghetto ay pinamunuan ni Adam Czerniakow, at pinaniniwalaang ito ay may kooperasyon ng mga Nazi. Nagtayo ang konseho ng mga eskwelahan, ospital, at silid aklatan. Ang ghetto ay sinira noong 1943.