16bergsma-452x650

Masisilayan na ngvolleyball fans ang mga kaakit-akit na foreign belles na maglalaro bilang imports sa anim na mga koponan sa women's division ng 2014 Philippine Superliga Grand Prix na iprinisinta ng Asics kung saan ay ipakikilala sila ngayon sa publiko sa unang pagkakataon sa Araneta Coliseum.

Maaga pa lamang, ayon sa sideliners na malaki ang oportunidad na makadaupang-palad ang ilan sa bagong Superliga stunners, na inilalagay nila bilang pangunahing paborito si Alaina Bergsma, ang Ms. Oregon 2012 at dating Ms. USA finalist, ng crowd kung saan ay maglalaro ito sa Petron Blaze Spikers.

Sadyang ikinagusto ng nakararami ang kanyang kagandahan na kahalintulad ni Leila Barros ng Brazil na naglaro sa harapan ng libu-libong panatiko sa Pilipinas kung saan ay nakapag-ambag ito sa volleyball bilang napipisil na sport sa mga kabataang kababaihan may 10 taon na ang nakalilipas.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Hindi lamang may magandang mukha si Bergsma kung saan ay naging kapitan pa ito para sa University of Oregon volleyball team at naging AllAmerican NCAA athlete. Maglalaro ito kasama ang isa pang Brazilian na si Erica Adachi para sa Petron Blaze Spikers na ang never-saydie attitude sa korte ang nakapagbigay sa kanila bilang isa sa league's crowd favorites.

Ipakikilala rin ang mga bagong koponan na Mane and Tail Lady Stallions at ang Foton Tornadoes kasama ang iba pang beteranong squads na Cignal, RC Cola at Generika para sa pioneering club league sa bansa na may basbas ng Asian Volleyball Confederation (AVC) at Philippine Volleyball Federation (PVF). Ang PSL ay kinikilala ring liga ng International Volleyball Federation (FIVB).

Ipiprisinta rin ang bagong koponan sa men's division, ang Cavite Patriots, kasama ang PLDT -Air Force, Cignal at Maybank.

Magbubukas ang hostilidad ng Philippine Superliga Grand prix sa Sabado sa Araneta Coliseum. Ito ay inorganisa ng SportsCore kasama ang Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Jinling Sports at LGR bilang technical partners kung saan ay nakapaloob dito ang after-college platform sa mga aktibo pa ring local players na suportado ng PVF programs na mandato ng FIVB at ng AVC.

Mabibili na ngayon ang opening day tickets sa ticketnet (www.ticketnet.com.ph) sa halagang P100 at P200. Ang mga laro ay via telecast ng Solar Sports, ang official TV partner ng Superliga, na ang tema ay: "Ito ang Volleyball," na nangakong makapagbibigay ng kamangha-manghang mga laro sa mga panatiko ng liga na sad yang dumagsa na sa unang apat na conferences na nagkaloob sa PSL bilang isa sa crowd drawing events maliban sa professional basketball.

Magtatagpo ang Cignal at RC Cola sa unang laro sa ganap na alas-2:00 ng hapon sa Sabado habang magkakarambulan ang Generika at Petron sa alas-4:00 ng hapon matapos ang opening ceremonies sa ganap na ala-1:00 na pamumunuan ni Superliga founder at president Ramon "Tats" Suzara, ang dati ring national junior player.

Ang RC Cola ay gagabayan ng dalawang American reinforcements na sina Bonita Wise at Emily Brown.

Maaga namang pinapaboran ang Air Force Raiders na mapapasama sa Top Four at po sible ring hablutin ang Grand Prix title.

Ngunit nangako ang Cignal HD Spikers na huwag balewalain kung saan ay ipaparada nila ang dalawang American imports na sina Lindsay Stalzer at Sarah Ammerman.

Ang Foton Tornadoes ay magkakaroon ng dalawang Russian imports sa katauhan nina Irina at Elena Tarasova para sa kanilang unang pagsubok sa PSL crown.