Dalawang pinaghihinalaang miyembro ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang natapuang patay ng mga tropa ng militar sa isang clearing operation matapos maganap ang sagupaan sa Barangay Kinangan, Malita, Davao Occidental kahapon.

Isa sa mga suspek ang nakilala lamang bilang alyas “Bryan”.

Pinaniniwalaang naubusan ng dugo ang mga ito matapos masugatan sa pakikipagbakbakan sa tropa ng 73rd Infantry Battalion ng Philippine Army na tumagal ng halos 30 minuto.

Sampung high powered firearm ang narekober sa naturang lugar matapos ang clearing operation, kabilang dito ang limang M16 rifle, tatlong AK 47 rifle, at isang M14 armalite rifle at isang M563.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Nabatid ang naturang rebeldeng grupo ay kasapi ng Guerilla Front 75 ng NPA sa pangunguna ni Immanuel Gardoque, na lalong kilala sa alyas “Dodong Sidlak”.

Sumiklab ang bakbakan ng nakasalubong ng tropa ng gobyerno ang mga rebeldeng komunista sa naturang barangay.