Tinawag ng World Health Organization ang Ebola outbreak na “the most severe, acute health emergency seen in modern times” ngunit sinabi rin noong Lunes na ang pang-ekonomiya na pagkagambala ay maaaring masugpo kung ang mga tao ay may sapat na kaalaman upang maiwasan ang impeksiyon.

Sinabi ni WHO Director-General Margaret Chan, binanggit ang mga bilang ng World Bank, na 90 porsiyento ng pang-ekonomiyang mga gastos ng anumang outbreak “come from irrational and disorganized efforts of the public to avoid infection.”

Ang mga tauhan ng pandaigdigang organisasyon sa kalusugan “are very well aware that fear of infection has spread around the world much faster than the virus,” ani Chan sa pahayag na binasa nang malakas sa isang regional health conference sa Manila.

“We are seeing, right now, how this virus can disrupt economies and societies around the world,” aniya, idinagdag na ang sapat na pagbibigay ng kaalaman sa publiko ay “good defense strategy” at magpapahintulot sa lahat ng gobyerno na mapigilan ang pang-ekonomiyang pagkagambala.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Hindi tinukoy ni Chan ang mga hakbang na ito ngunit pinuri ang Pilipinas sa pagdaos ng isang anti-Ebola summit noong nakaraang linggo na sinalihan ng mga opisyal ng kalusugan ng pamahalaan at ng mga kinatawan ng pribadong sektor, nagbabala na ang Southeast Asian ay mahina dahil sa malaking bilang ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.

Habang naghahanda para sa Ebola, ang mga opisyal ng kalusugan ay dapat patuloy na tumutok sa mga pangunahing banta sa kalusugan, kabilang ang hindi nakahahawang sakit, aniya.

Ang epidemya ng Ebola ay pumatay ng mahigit 4,000 katao, karamihan sa mga bansa sa West Africa partikular sa Liberia, Sierra Leone at Guinea, ayon sa bilang na inilabas ng WHO noong nakaraang linggo. - The Associated Press