Hangad ng dalawang bagong koponan sa women’s division at isa para sa men’s class na mapatunayan ang kanilang kakayahan laban sa veteran squads na magkakahatawan sa imports-laden 2014 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

Handang-handa na ang Mane and Tail Lady Stallions at ang Foton Tornadoes na makipagsabayan sa veteran teams na Petron, Cignal, RC Cola at Generika sa kanilang kampanya sa women’s title sa unang pagkakataon sa pioneering club league sa bansa na iprinisinta ng Asics at may basbas ng Asian Volleyball Confederation (AVC) at Philippine Volleyball Federation (PVF). Ang PSL ay kinikilalang liga ng International Volleyball Federation (FIVB).

Samantala, lalantad ang Cavite Patriots kontra sa PLDT-Air Force, Cignal at Maybank para sa men’s division crowns.

Ang Philippine Superliga, inorganisa ng SportsCore kasama ang Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Jinling Sports at LGR bilang technical partners, ay makapagbibigay ng after-college platform para pa rin sa mga aktibong manlalaro na suportado ng PVF programs na mandato ng FIVB at ng AVC.

National

PBBM sa impeachment complaints vs VP Sara: 'The timing is very poor'

Ang opening day tickets ay kasalukuyang nakalaan ngayon sa ticketnet (www.ticketnet.com.ph) sa halagang P100 at P200. Ang mga laro ay via telecast sa Solar Sports, ang official TV partner ng Superliga, na may temang: “Ito ang Volleyball,” kung saan ay muling nangakong makapagbibigay ng kapana-panabik na mga laro sa league fans na pawang dumagsa sa unang apat na conferences na nagkaloob sa PSL ng isa sa pinakamalaking humakot ng crowd sa labas ng professional basketball.

Sa kabilang dako, ang Mane and Tail Lady Stallions at ang Foton Tornadoes ay ‘di pa makikita sa aksiyon sa opening day kung saan ay magtatagpo ang Cignal at RC Cola sa unang laro sa ganap na alas-2:00 ng hapon habang magkakarambulan ang Generika at Petron sa alas-4:00 ng hapon matapos ang opening ceremonies sa ala-1:00 na pamumunuan ni Superliga founder at president Ramon “Tats” Suzara, ang dating national junior player.

Habang ang men’s division ay nakatuon sa lakas, magiging interesado naman sa women’s na kapapalooban ng beauty at talent na inaasahang makapagbibigay din ng mas interesadong kaganapan para sa Superliga fans.

Si Alaina Bergsma, ang Ms. Oregon 2012 at dating Ms. USA finalist, ang inaasahan nang magiging crowd darling matapos ang pamamayagpag noon ng nagretirong si Leila Barros ng Brazil. 

Maglalaro si Bergsman, siyang naging kapitan ng University of Oregon volleyball team at naging All-American NCAA athlete, kasama ang isa pang Brazilian, si Erica Adachi, para sa Petron Blaze Spikers na ang never-say-die attitude sa court ang nagbigay sa kanila bilang isa sa league’s crowd favorites.

Ang RC Cola ay magkakaroon ng dalawang American reinforcements sa katauhan nina Bonita Wise at Emily Brown. Ang Air Force Raiders ay inaasahan nang mapapasama sa Top Four at posibleng gumawa ng pag-atake para sa Grand Prix title.

Subalit ang Cignal HD Spikers ay nangakong ‘di mapag-iiwanan kung saan ay ipaparada rin nila ang dalawang American imports na sina Lindsat Stalzer at Sarah Ammerman. 

Dalawang American imports din ang magpapalakas sa unang pag-entra sa PSL ng Mane and Tail Lady Stallions na aasa sa lakas nang nagbabalik na si Kaylee Manns at Kristy Jaeckel. 

Napakainteresadong tambalan ng Russian, si Natalia Korobkova, at Japanese import, si Miyuu Shinohara, ang makapagdadagdag sa paghataw ng Generika Life Savers’. 

Ang Foton Tornadoes ay gagabayan ng dalawang Russian imports na sina Irina at Elena Tarasova (walang relasyon) sa kanilang unang pagtuntong para sa minamataang PSL crown.