LONDON (AFP)— INAMIN ni Reese Witherspoon na ang pelikulang Wild na ang pinakamahirap sa lahat ng papel na kanyang ginampanan.
“It was more challenging in a way that I’ve never had before,” sabi ni Reese.
“It’s definitely the hardest movie I’ve ever made, physically, emotionally, mentally, but when I got through it I was so happy,” dagdag pa ng aktres.
Gumaganap si Reese Witherspoon bilang Cheryl Strayed, ang babaeng naglakbay sa United States sa loob ng tatlong buwan upang makalimutan ang lungkot na dulot ng pagpanaw ng kanyang ina.
“I’ve never been as strong as I was after that movie. I had some back problems,” dugtong niya.
Mapapanood din ang ilan sa maseselang eksena tulad ng paggamit ng bawal na gamot, na sumubok sa kakayahan niya bilang aktres.
Matatandaang pinarangalan si Witherspoon bilang Oscar best actress noong 2006 sa pelikulang Walk the Line, na kuwento ng buhay ng US singer-songwriter na si Johnny Cash.