Naniniwala ang manager ni IBF No. 2 super featherweight Michael Farenas na si two-division world champion Gerry Penalosa na patutulugin ng kanyang alaga si IBF No. 6 Jose Pedraza sa 12-round eliminator bout sa Nobyembre 14 sa Coliseo Pedrin Zorrilla sa Hato Rey, Puerto Rico.

Ang magwawagi kina Farenas at walang talong si Pedraza ay tiyak na hahamon kay IBF super featherweight title holder Rances Barthelemy ng Cuba.

“No judges this time, this fight will not last the distance. Michael will kick Pedraza’s record,” sinabi ni Penalosa sa RingTV.com. “Pedraza is OK, he’s not proven yet. He was good in the amateurs but in professional I don’t think so. This is his first test against Michael so let’s see.”

May kartadang perpektong 18 panalo, 12 sa pamamagitan ng knockouts, si Pedraza ngunit wala pa siyang nakatatapat na katulad ni Farenas na tumalo sa katulad nina one-time world title challenger Walter Estrada ng Colombia (KO 1), dating WBO at IBO Asia Pacific junior lightweight ruler Simson Butar-Butar ng Indonesia (K0 2), two-time world title challenger Daniel Attah ng Ghana (MD 8) at ex-IBO featherweight titlist Fernando Beltran ng Mexico (SD 8).

National

PBBM sa impeachment complaints vs VP Sara: 'The timing is very poor'

Huling lumaban si Farenas sa inaprubahang IBF title eliminator laban kay IBF No. 11 super featherweight at walang talong si Mark Davis na tinalo niya sa 8th round TKO pero biglang binawi ng samahan ang karapatan ng Pinoy boxer na hamunin si Barthelemy.