Idineklarang regular holiday ni Pangulong Benigno Aquino III ang araw na ito, Oktubre 15, bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Feast of Sacrifice o Eid’l Adha ng mga Muslim.
Nilagdaan ni Pangulong Aquino ang Proclamation No. 658 noong Oktubre 3, batay sa Republic Act No. 9849 na nakapaloob na ang Eid’l Adha ay isiniselebra bilang regular holiday.
Ang Eid’l Adha ay isa sa dalawang malalaking piging ng Islam subalit ang petsa sa okasyong ito ay batay sa deklarasyon ng pinakamataas na religious body ng Saudi Arabia.
Samantala, ang Eid’l Fitr o Feast of Breaking the Fast, ay ipinagdiriwang ng mga Muslim sa buong mundo sa pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan matapos ang panahon ng kanilang pag-aayuno.
Ang Eid’l Adha ay ang ika-sampung araw sa buwan ng Hajj, o Islamic pilgrimage sa Mecca, ito ang panahon ng pananampalataya ng mga Muslim kay Abraham sa kanyang supreme act of sacrifice at pagpapakita ng pagpapakumbaba sa Panginoon.