Dalhin ang “NLEX brand of excellence” sa PBA ang pangunahing hinahangad ng isa sa pinakabagong koponan na NLEX Road Warriors sa kanilang nakatakdang pagsabak sa ika-40 taon ng liga na magbubukas sa darating na Linggo sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ito ang inihayag ni NLEX PBA board representative Ramoncito Fernandez sa ginawang pormal na pagpapakilala ng kanilang koponan sa isang simpleng okasyon na idinaos sa C3 Events Place sa Greenhills kagabi.

“Our main objective is to bring the NLEX brand of excellence in the PBA,” pahayag ni Fernandez. “And we set a decent target of finishing in the middle of the pack.”

Tatak na aniya ng koponan ang pagiging isang kampeon matapos na madomina ang nakalipas na tatlong taon sa PBA Developmental League kung saan ay humakot sila ng anim na championships.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ngunit dahil bago pa lamang ang koponan, hindi sila agad na umaasa ng kampeonato.

“We’re just taking it one day at a time,” pahayag naman ng pinakabeteranong manlalaro at siya ring kapitan ng koponan na si Paul Asi Taulava. ”Everyday is a learning experience for us and adjusting to our coach system.”

“But we’re very excited and we have something to look forward to especially with all the resources that the MVP group that brough into this team,” dagdag pa nito. 

Gayunman, dahil sa magandang performance na ipinakita ng Air21 noong nakaraang season at sa pagkakadagdag umano ng mga bagong talent sa kanilang koponan, ayon kay Taulava ay hindi siya magtataka kung malagpasan pa nila ang itinakdang pagtatapos ng kanilang koponan. 

“I think our bosses played down the pressure for us by saying (we’re just good at) fifth place. But with how well we’ve (Express franchise) done last season, I don’t think I can accept fifth place,” ani Taulava na inaasahang makakakuha ng suporta mula sa kanyang mga dating Air21 teammates na sina Mac-Mac Cardona, KG Canaleta, Aldrech Ramos, Mark Borboran, Jonas Villanueva at Wynne Arboleda 

 “What’s the use of putting in so many long hours in the offseason if you just go out there and get fifth place?” dagdag pa nito. 

Kasama rin nilang ipinakilala kahapon sina Rico Villanueva at Eloy Poligrates, gayundin ang rookies na sina Eric Camson, Juneric Baloria at Harold Arboleda. Nakahanay din ang reserves na sina Borgie Hermida, Raoul Soyud, Pamboy Raymundo at Ervin Sotto.

Samantala, dumalo rin sa nasabing okasyon ang iba pang mga matataas na opiosyal ng kompanya na kinabibilangan nina Metro Pacific Investment Corporation president Jose Ma. “Joey” Lim  at Manila North Tollways president at alternate governor Rodrigo Franco, gayundin si PBA Chairman Patrick Gregorio.

Nakatakdang gabayan ang Road Warriors ng awtor ng anim na kampeonato sa D-League na si Boyet Fernandez, kasama ang hanay ng mga magagaling na assistant coach na sina Adonis Tierra, Mon Celis. Gino Manuel at Jay Serrano at ang dalawang bagong karagdagan sa kanilang coaching staff na sina dating PBA superstar Jojo Lastimosa at Sandy Arespacochaga.

Tatayo namang team manager ng koponan si Ronmald Dulatre at assistant team manager si Allan Gregorio.