Nakialam na ang National Bureau of Investigation (NBI)-Region 10 sa kaso ng pagpatay kamakailan sa dalawang Swiss sa B. Yasay Beach Resort sa Opol, Misamis Oriental.

Ayon kay NBI Regional Director Atty. Ricardo Diaz, iniutos na niya sa kanyang mga tauhan na mangalap ng impormasyon tungkol sa pagpaslang noong Oktubre 5 kina Robert Erich Loaber at Balthazar Johann Erni, na nakatira sa isang eksklusibong subdibisyon sa Cagayan de Oro.

Ayon kay Diaz, ang imbestigasyon ng NBI ay bilang tulong na rin sa kasalukuyang pag-iimbestiga ng Special Investigation Task Group (SITG) Loaber-Erni na pinamumunuan naman ng Misamis Oriental Provincial Police Office.

Tiniyak ni Diaz na kung kakailangin pa ang kanilang ahensiya ay nakahanda itong magpaabot ng pakikipag-ugnayan sa SITG.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Una nang inihayag ng SITG chief na si CIDG Regional Director Senior Supt. Pedro Austria Jr., na hawak na nila ang mga testigo at ebidensiya na maaaring ikalutas ng kaso.

Una nang nag-alok si Misamis Oriental Gov. Bambi Emano ng P100,000 pabuya para sa mga taong makapagbigay ng impormasyon na ikaaaresto ng mga suspek sa krimen.