Sa ngayon, batid na natin na ang pagtatanong ay kailangang nakatuon sa paglikha ng solusyon. Ibig sabihin, hindi ito naglilimita sa atin at hindi rin humuhusga sa kakayahan ng tao. Ipagpatuloy natin...

  • Kumambiyo agad sa positibo. – Hindi tayo sanay magtanong ng mga positibong tanong at nakaprograma ang ating utak sa mga negatibong kaisipan at limitasyon. Kaya bago natin simulan ang pagtatanong, kailangang ilipat natin sa positibo ang ating pag-iisip sa pamamagitan ng pagtatanong tungkol sa sarili nating pamumuhay: Bakit ako masaya sa aking buhay ngayon? Ano ang dapat kong ipagpasalamat sa aking buhay? Sa ganitong mga tanong, agad na nagbabago ang iyong utak, kumikiling sa pagpapasalamat. At sa ganitong kondisyon ng utak nagbubukas ang mga posibilidad.
  • Magtanong ka na parang si Socrates. – Huwag matakot na magtanong na magdudulot ng marami pang tanong. Dito bumubuhos ang maraming ideya at mga tuklas. Sa edukasyon, mayroong pagtatanong sa paraan ng dakilang philosopher na si Socrates: ang Socratic questions. Nakatutulongito sa atin na umalam nang mas malalim at mas malawak sa pamamagitan ng pagkukuwesitiyon ng ating mga inaakala o pagpapatunay ng mga iyon. Ang teknika ni Socrates sa pagtatanong ay madalas na humihingi ng (1) Klaripikasyon – “Maaari bang ipaliwanag mo pa?” (2) Patunay o Paghamon – “Bakit mo nasabing ganito ito?” “Saan mo ibinase ang iyong pahayag?” (3) Umalam ng iba pang posibilidad o alternatibo – “May iba pa bang paraan upang tingnan ito? (4) Umalam ng mga kahihinatnan – “Paano maapektuhan nito ang ating kumpanya?” (5) Kumuwestiyon ng mga kuwestiyon – “Bakit mahalaga ang tanong na iyan?” “Bakit mo tinatanong iyan?”

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ang mas mainam na tanong ay nagsisimula sa kahandaan na alamin ang iba pang paraan na hindi pa natitingnan ng iba, o hindi pa pinaniniwalaang posible. Minsan naman, ang solusyon ay nadudumilat na sa iyo ngunit hindi mo naman makita dahil hindi ka pa handang maniwala sa posible ito. Ang isang tanong na maaari nating itanong sa ating sarili sa gitna ng pagdududa, ay “Ano ba ang mawawala sa akin kung isusuko ko ang aking kaduwagan at pagkatakot?” At ang sagot ay “Wala” ngunit marami kang matatamong kasagutan.