Coco-Kim_REGGEE

SA Oktubre 24 na eere ang huling episode ng Ikaw Lamang ng ABS-CBN.

Engrandeng once in a lifetime TV event ang ihahandog ng Hari at Prinsesa ng Teleserye na sina Coco Martin at Kim Chiu sa huling dalawang linggo ng master teleserye ng Dos tampok ang muling pagtatagpo ng mga una nilang karakter na sina Samuel at Isabelle na ginagampanan na ngayon nina Joel Torre at Amy Austria. 

Mula nang umere noong Marso, tinutukan ng viewers ng Ikaw Lamang ang kuwento ng pagmamahalan nina Samuel at Isabelle noong dekada ‘70, hanggang sa pag-iibigan nina Gabriel (Coco) at Andrea (Kim) sa kasalukuyang panahon. Gabi-gabing panalo sa national TV ratings game ang mahigit 150 episodes nito, bukod pa sa ang best-selling soundtrack, at Twitter-trending performances ng powerhouse cast nito.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Ayon sa nakausap namin sa production, lalong panggulat ang mapapanood sa huling dalawang linggo lalo’t  nakatakas na sina Isabelle at Andrea mula kay Franco (Christopher de Leon) sa tulong nina Samuel at Gabriel.

Inaabangan ng viewers kung tuluyan nang makalalaya sina Isabelle at Andrea mula kay Franco, o muli na naman nitong hahadlangan ang kaligayahan nila. Interesado naman kami sa magiging desisyon ni Natalia (KC Concepcion) o kung sasama ba siya kina Isabelle at Andrea kapag natuklasan niya ang katotohanan sa nakaraan ng ama. Pero siyempre, mas inaabangan ang kahihinatnan ng pag-iibigan nina Gabriel at Andrea.

Happy ending din kaya sila, tulad nina Rose at Patrick sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon?