Nagbabala si Senator Bam Aquino sa epekto ng paggamit ng dye o tina bilang mga food color batay na rin sa naging pagsusuri Food and Drugs Administration (FDA).
May taglay na Rhodamine B na nagdudulot ng sakit na cancer, ayon kay Aquino, chairman ng Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship.
Sa ulat ng FDA, ang tina ay karaniwang ginagamit sa chili powder, cheese powder, turmeric powder, paprika powder, atsuete powder, kasubha powder, red gulaman at hibi. Ginagamit din ito sa fish tapa, fish cracker at iba pang snack foods, seasoning mix, panimpla at marami pang iba.
Sa isang advisory, sinabi ng FDA na ang Rhodamine B ay carcinogenic o nagdudulot ng cancer habang ang Sudan dye ay ginagamit sa shoe at floor polish, solvents, oils at wax.
Pinayuhan ng senador ang mamimili na bumili sa mga lehitimong tindahan para makatiyak sa kalidad at kaligtasan ng produkto.