Blangko pa rin ang pulisya sa isinasagawang imbestigasyon hinggil sa pagpatay sa dating vice mayor ng Maasim, Sarangani province kahapon ng umaga.

Kinilala ni Insp. Rodel Javison ng Maasim Police Station ang biktima na si Eulojio Benitez, 82, residente ng Sitio Ilaya, Barangay Colon, Maasim.

Lumitaw sa imbestigasyon, nagpunta sa kanyang farm dakong 7:00 ng umaga ang biktima sakay ng isang de-padyak.

 

'Expected po 'yan!' Malacañang, nag-react sa paglagpak ng Pinas sa Corruption Perceptions Index 2025

Tatlong putok ng baril na narinig umano sa lugar kung saan nadatnan na lamang ng live-in partner ang biktima na nakabulagta sa lupa at may tama ng bala habang ang gunman ay tumakas.

Tatlong tama ng bala ang naglagos sa biktima ang naging sanhi ng pagkamatay nito.

Lumilitaw na imbestigasyon na revolver ang ginamit ng suspek sa pagpatay sa biktima dahil walang basyo ng bala na natagpuan sa pinagyarihan ng krimen.