Beauty-Gonzales-copy

NAGING guest ni Kris Aquino sa KrisTV sina Beauty Gonzales at Pokwang.

Out of the blue, naitanong ng Queen of All Media kay Beauty ang tungkol sa lovelife nito at sa morning show lang nalaman na mag-iisang buwan na pala silang hiwalay ng dating boyfriend.

Businessman na 38-year-old ang naging boyfriend ni Beauty. Nakilala niya sa pamamagitan ni Paul Jake Castillo. Labinlimang taon ang agwat ng edad ng lalaki kay Beauty, pero hindi raw iyon ang dahilan kung bakit niya ito inayawan dahil napaka-supportive daw ito sa kanyang career.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

“Feeling ko kasi, Ate Kris, if I didn’t do it, nothing will happen. Parang gano’n. So I need him to wake up and do something about it,” paliwanag ni Beauty.

‘Yun nga lang, bagamat break na ay nananatiling may communication ang dalawa. Nalulungkot din si Beauty sa naging ending ng kanilang love story.

“Nakakalungkot din kasi ngayon parang walang morning texts, walang night texts… so ano lang, parang naninibago pa ‘ko… pero it’s okay,” aniya.

May pagkakataon na nagpaparamdam ito ng pakikipagbalikan.

“Pero sa ’kin kasi parang I want him to focus on himself muna and when he can stand on his own then he’s really okay then we will see.”

Para magmuni-muni at tuluyan nang makalimot, ang nagpa-sexy actress sa Moon of Desire ay tutungong Paris, na matagal niyang binalak pero laging nauudlot dahil sa pagkakaroon ng karelasyon.