Ikinatuwa ni Vice President Jejomar C. Binay ang nakuha niyang “very good” rating sa huling resulta ng Social Weather Station (SWS) survey, ayon kay Cavite Governor Jonvic Remulla na tagapagsalita ng bise presidente sa mga isyung pulitikal.

“Vice President Jojo Binay is happy and thankful that 70 percent of Filipinos are satisfied with his performance,” sabi ni Remulla.

“The numbers are surprising. Despite the toxic atmosphere brought about by the kangaroo court of the senate and the incessant attacks by political detractors, he still outperforms the rest of the field. It really goes to show that it’s hard to put a good man down,” dugtong niya.

Sa survey noong Setyembre 26-29, napanatili ni Binay ang kanyang “very good” rating na 70 porsiyento, “satisfied” rating na 17 porsiyento at dissatisfied o may net satisfaction score na 52 porsiyento.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Hindi natinag si Binay sa pangunguna o pagkakaroon ng pinakamataas na approval rating sa hanay ng mga opisyal ng gobyerno.

Iniulat ng SWS ang 36 porsiyentong net satisfaction score para kay Senate President Franklin Drilon; Speaker Feliciano Belmonte Jr., 13%; at Chief Justice Maria Lourdes Sereno, 10%.

Nagsagawa ang SWS ng face-to-face interview sa 1,200 respondent sa buong bansa.