missworldphilippines_moa-arena11_vicoy_131014-copy (1)

Ni ROBERT R. REQUINTINA

TINALO ng modelo at dating Pinoy Big Brother housemate at host sa “Juan For All, All For Juan” segment ng Eat Bulaga ang 25 iba pang kandidata para mapanalunan ang titulo ng Miss World 2014 Philippines, sa grand coronation night sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City kahapon ng madaling araw.

Sa isa sa mga pinakaaabangang beauty pageant ngayong taon, napanalunan ng half German-half Filipina na si Valerie Weigmann ang titulo nang pahangain niya ang mga hukom sa final question-and-answer portion ng patimpalak.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Kinoronahan siya ni 2013 Miss World Megan Lynne Young, ang unang Miss World title holder ng Pilipinas. Ang 25-anyos na modelo ay naging host ng “Juan For All, All For Juan” ng Eat Bulaga habang nasa on-the-job training sa noontime show bilang writer, at isa siya sa mga may-ari ng unang German-Turkish restaurant sa bansa na Bamm, na nasa Makati City.

Tubong Bicol at nagtatrabaho ngayon sa Germany ang ina ni Valerie. Lumaki siya sa Werner-von-Siemens Realschule, Wiesbaden bago nagbalik sa Pilipinas noong dalagita na.

Edad 18 si Valerie nang sumali sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus. Nanatili siya sa bahay ni Kuya sa loob ng dalawang buwan at ipina-partner noon sa kapwa housemate na si Ejay Falcon.

Isa ring aktres, tumanggap si Valerie ng 12 special award, kabilang ang Best in Swimsuit, Best in Evening Gown, Best in Fashion Runway. May taas na 5’9”, magiging kinatawan siya ng Pilipinas sa 2014 Miss World pageant sa London sa Disyembre. Mayroong non-showbiz boyfriend si Valerie.

Wagi rin sa pageant sina Lorraine Kendrickson, first princess; Nelda Ibe, second princess; Nicole Donesa, third princess; at Rachel Peters, fourth princess.

Nanalo sila ng cash prizes at iba’t ibang produkto mula sa mga sponsor ng pageant.