Maiuwi ang unang ginto ng Pilipinas ang asam ng 41 kataong delegasyon ng Pilipinas mula sa Philippine Sports Association for the Differently Abled—National Paralympic Committee of the Philippines (PhilSPADA-NPC Philippines) sa pagsabak nila sa 2nd Asian Para Games na gaganapin sa Incheon, Korea.

Nakatakdang umalis ang delegasyon sa Huwebes, Oktubre 16, bitbit ang hangarin na malampasan ang malamyang kampanya ng Pilipinas sa katatapos lamang na 17th Asian Games sa torneo na gaganapin naman simula sa Oktubre 18 at matatapos sa Oktubre 24.

Ang koponan ay binubuo ni Isido Vildosola sa athletics (800m at 1500m), Arman Dino (100m, 200m at 400m), Andy Avellana (long jump at high jump), Joel Balatucan (shot put, discus throw, javelin throw), Prudencia Panaligan (100m, 200m, 400m), Sixto Ducay (400m, long jump), Ruth Opena (100m, 200m, 400m), Jeanette Acebeda (shot put, discus throw), Jerrold Pete Mangliwan (100m), Raul Angoluan (800m), Marites Burce (shot put, discus throw at javelin throw, Evaristo Carbonel (discus throw) habang guide naman si Roel Ano.

Sasabak sa Badminton si Basil Anthony Hermogenes sa Single (SL4) habang sa Cycling sina Arthus Bucay (Road Race, Mixed Road Time Trial kasama si Godfrey Taberna.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Lalahok si Genner Padilla sa Judo (Men Up to 73kg) at sa Powerlifting sina Adeline Ancheta (Women Over 86kg.), Achelle Guion (Women Up to 45kg.), Agustin Kitan (Men Up to 59kg.) at Marydol Pamati-an (Women Up to 41kg.)

Lalangoy naman si Ernie Gawilan sa 50m Freestyle , 100m Freestyle , 400m Freestyle , 100m Backstroke, 100m Butterfly, 200m Individual Medley kasama si Gary Bejino sa 50m Freestyle, 100m Freestyle, 400m Freestyle, 100m Backstroke, 50m Butterfly, 100m Breaststroke, 200m Individual Medley.

Kasama ring lalangoy si Remegio Lobos (50m Freestyle, 100m Freestyle, 200m Freestyle, 100m Breaststroke) at si Roland Sabido (50m Freestyle , 100m Freestyle, 400m Freestyle, 100m Backstroke, 100m Breaststroke, 200m Individual Medley).

Sasabak naman sa Table Tennis sina Ruben San Diego, Rufo Tablang, Samuel Matias, Angelito Guloya, Francisco Ednaco, Noel Espanol, Kim Ian Chi, Jaime Manginga, Partick Gerard Eusebio, Josephine Medina, Darwin Salvacion, Benedicto Gaela Pablo Catalan Jr., Smith Billy Cartera, Julius Jun Obero at Rochelle Canoy.

Ang 2014 Asian Para Games ang kasunod na aktibidad para sa may mga kapansanan matapos ang Asian Games. Ito ang ikalawa lamang na pagkakataon na isasagawa ang Asian Para Games matapos na unang isagawa noong 2010 sa Guangzhou, China.

Inaasahang lalahok ang mahigit na 4,500 atleta mula sa 41 bansa na lalahok sa 23 sports.

Paglalaban ang mga sports na archery, athletics, badminton, boccia, cycling, football (5-a-side at 7-a-side), goalball, judo, lawn bowls, powerlifting, rowing, sailing, shooting, swimming, tenpin bowling, table tennis, sitting volleyball, wheelchair basketball, wheelchair dance sport, wheelchair fencing, wheelchair rugby at wheelchair tennis.

Makakasama sa delegasyon ang mga coach sa athletics na sina Joel Deriada (Field) at Bernard Buen (Track), Antonio Ong sa swimming, Michel Dalumpines sa Table Tennis, Ramon Debuque sa Powerlifting, Mary Grace Ladlad sa badminton, Rezil Rosalejos sa judo, Norberto Oconer sa cycling, Dennis Esta sa Tenpin Bowling at si Genice marquez sa Wheelchair Dance.

Tatayong chef de mission si Gerardo Rosario habang si Danis Edward Estipona ang Physio Therapist. Kasama din sina Vernon Perea at Irene Remo bilang Admin. Personel at si Michael Barredo.