IDINARAOS ngayong Oktubre ang 25th National Statistics Month (NSM) upang ikintal sa kamalayan at pahalagahan ang statistics. Taun-taon nagpapatupad ng isang tema ang NSM na nakatuon sa tungkulin ng statistics sa isang partikular na sektor o socio-economic issue tulad ng local government, health, labor, trade and tourism, investment, education, gender, at social protection.

Ang tema para ngayong taon ay “NSM at 25 and Beyond: Solid and Responsive Philippine Statistical System in Support of Globalization and Regional Economic Integration”. Ang pagsasabatas noong Disyembre 29, 2013 ng Republic Act 10625, ang Philippine Statistical Act, ay nagresulta sa pagsasanib ng National Statistics Office, National Statistical Coordination Board (NSCB), Bureau of Agricultural Statistics-Department of Agriculture, at ng Bureau of Labor and Employment Statistics-Department of Labor sa iisang statistical body – ang Philippine Statistics Authority (PSA), na pinamumunuan ni National Statistician Dr. Lisa Grace S. Bernales.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ang tema ay alinsunod sa mga preparasyon para sa Association of Southeast Asian Nations Economic Community sa 2015 kung saan pahihintulutan ang malayang pagdaloy ng mga produkto at serbisyo, investments, labor, at kapital. Malaki ng papel na gagampanan ng statistics sa paglikha ng iisang merkado at production base sa umuunlad na rehiyon at magiging sentral sa mga polisiya upang matiyak na pakikinabangan ng Pilipinas at ating mga kababayan ang economic integration.

Unang idinaos ang NSM noong Oktubre 1990 sa bisa ng Presidential Proclamation No. 647 na inisyu noong Setyembre 20, 1990 na nagdedeklara sa buwan ng Oktubre ng bawat taon bilang NSM. Pinangunahan iyon ng dating NSCB na bahagi na ngayon ng PSA.

Ngayong taon, ang mga pambansang ahensiya, pamahalaang lokal, ang akademya, business at private offices ay hinihimok na aktibong lumahok sa selebrasyon. Ang PSA, bilang host sa unang pagkakataon, ay pinangunahan ang mga pambungad na seremonya noong Oktubre 1, at itinampok dito ang paggawad ng parangal ng 6th NSM Media Awards at ang Best 2013 NSM Activities. Kabilang sa mga programa ngayong buwan ang symposiums, workshops, orientation seminars, exhibits, slide shows, at publication ng statistical reports and indicators, na ginagamit ng gobyerno sa pormulasyon ng polisiya.