Nagsimula nang makipagtulungan ang pamahalaang lokal ng Taguig City sa Manila Water tungkol sa paglilinis ng nagamit na tubig sa layuning muling buhayin ang mga ilog sa Metro Manila.

Ayon sa Manila Water, ang programang Toka Toka ay magbibigay-diin sa mga pamayanan tungkol sa payak na paraan na maaaring gawin ng bawat indibiduwal o institusyon bilang ‘Toka’ para makatulong sa paglilinis at pagsasalba sa mga estero at ilog sa Metro Manila.

Pinangunahan ni Taguig City Mayor Laarni Cayetano ang pagtanggap kay Manila Water East Zone Business Operations Group Director Ferdinand Dela Cruz sa partnership seal signing sa Taguig City Hall.

Malugod namang ibinalita ni Manila Water East Zone Business Operations Group Director Ferdinand Dela Cruz na 99 porsiyento na ang coverage ng Manila Water sa Taguig, at may 77,000 water service connections na ang naikabit ng concessionaire sa lungsod.

Metro

Construction worker, patay nang matabunan ng lupa habang naghuhukay sa construction site