Nagbabala ang isang grupo laban sa isang anti-flu medicine na sinasabing may sangkap na lead at ipinagbibili sa ilang tindahan sa Binondo, Maynila.

Ayon sa EcoWaste Coalition, ang produktong Bo Ying Compound ang puntirya ng advisory ng US Food and Drug Administration (US-FDA), na nagbabala laban sa posibleng lead poisoning.

Sa label ng produkto, sinasabing nakasaad na ang gamot ay nakaaalis ng plema, ubo, lagnat, nagbibigay ng lunas sa indigestion, influenza, at nasal discharge ng mga bata.

Nakatutulong din umano itong maalis ang kawalan ng gana sa pagkain, pagkabalisa, at pag-iyak sa gabi ng paslit.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Gayunman, natuklasan umano ng US-FDA na mataas ang antas ng lead na taglay ng nasabing gamot at nagdulot na umano ng lead poisoning sa isang 18-buwang bata.

Sa test buy, sinabi ng EcoWaste na ang produkto ay nagkakahalaga ng P580 kada lata.