GAGANAPIN sa Riverpark, Sta. Elena, Marikina sa Oktubre 17, simula ng 6:00 PM, ang Oktoberfest 2014, handog ng San Miguel Beer at ng pamahalaang lungsod ng Marikina sa pakikipagtulungan ng Kalahi-Marikina socio-cultural organization.

“Inaanyayahan ko ang lahat na dumalo sa okasyong ito para ipagdiwang ang 60th anibersaryo ng Philippine-German relations,” pahayag ni Marikina Mayor Del R. de Guzman.

Nagpasalamat din ang alkalde sa San Miguel Beer sa handog nitong Oktoberfest sa Marikina, na inaasahang makakalikom ng pondong ilalaan para sa paghahanda sa International River Summit sa lungsod sa Nobyembre.

Ang Oktoberfest ay opisyal nang Philippine Tourism event. Ito ay ang Pinoy version ng Octoberfest na nagsimula sa Munich, Germany noong 1810.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Tampok sa nasabing pagtitipon ang iba’t ibang banda, mga papremyo, kainan at iba pang kasiyahan.

Ang beer and music festival ay bukas sa publiko at may entrance fee na P50.00 lamang, na may kasamang isang libreng baso ng beer at raffle stub.