Pinatulog ng world class Pinoy boxers ang kani-kanilang karibal na dayuhan sa pangunguna ni IBO junior flyweight champion Rey Loreto na pinatulog sa 7th round si dating Indonesia at WBO Asia Pacific minimumweight titlist Heri Amol sa main event ng “Boxing Revolution II” kamakalawa ng gabi sa Almendras gym sa Davao City.

Unang napabagsak ni Loreto sa 5th round si Amol kaya umiwas na ang nagtatakbo sa kanyang mga bigwas ang dating world rated boxer. Sumuko si Amol sa 7th round nang muling bumagsak kaya idineklara ni referee Bruce McTavish ang pagwawagi ng Pilipino sa knockout.

Sa undercard ng laban, nagwagi rin si dating IBO super flyweight champion Edrin Dapudong ng Pilipinas sa 5th round TKO laban kay Wisanlek Sithsaithong ng Thailand.

Galing sa 11 sunod-sunod na panalo, 6 sa pamamagitan ng knockouts, si Sithsaithong kaya nakipagsabayan kay Dapudong. Ngunit itinigil ni McTavish ang sagupaan nang hindi na makaganti ng suntok ang Thai eksaktong 2:56 ng 5th round.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Impresibo rin ang pagwawagi ni one-time world title challenger Denver Cuello nang mapatigil sa 7th round si Jaipetch Chaiyongym ng Thailand.

“Cuello landed countless left punches that swollen the right eye of his Thai rival. Cuello kept on targeting the damaged eye until Chaiyongym finally quit before the start of the 7th round,” ayon sa ulat ng Philboxing. “Cuello was also tuning up for probable title-fight.”

Nagwagi rin si one-time world challenger Lorenzo Villanueva via 9th round TKO kay Gadwen Tubigon na nabasag ang ilong sa laban at si world rated Rommel Asenjo sa 8th round majority decision kay Powel Balaba.