Inihayag ng Government Service Insurance System (GSIS) na maaari nang mag-avail ng P40,000 calamity loan ang mga kuwalipikadong miyembro na nasalanta ng bagyong Luis at Mario.

Nabatid na itinaas ng GSIS ang pagpapaluwal ng emergency loan sa mga apektadong miyembro ng GSIS sa dalawang magkasunod na bagyo na tumama sa bansa nitong nakaraang buwan.

“GSIS doubled the amount of the maximum credit limit for members who have existing emergency loan in order for them to take home a bigger amount. Moreover, GSIS waived the 12-month amortization requirement for emergency loan renewal. For members with no emergency loan yet, they may borrow up to P20,000,” pahayag ni GSIS President and General Manager Robert G. Vergara.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Tanging ang mga aktibong miyembro at nagtatrabaho sa mga lugar na idineklarang nasa ilalim ng state of calamity ang maaaring mag-avail sa loan.

Idineklarang nasa state of calamity ang mga lugar na nasalanta ng bagyong Luis at Mario sa Marikina City, Cainta sa Rizal, Calumpit at Meycauayan sa Bulacan, at ang mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur at Pangasinan.