Ibinunyag kahapon ni United Nationalist Alliance (UNA) Interim Secretary General Atty. JV Bautista na pag-aari umano ng isang financier ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang helicopter na ginamit sa pagkuha ng litrato at video sa kontrobersiyal na Sunchamp Agri-Tourism Park sa Rosario, Batangas.

Ayon kay Bautista, ang Eurocopter EC-130B-4 ay pag-aari ng bilyonaryong si Salvador “Buddy” Zamora II na isang mining magnate at sinasabing isa sa mga principal financier ni Roxas at ang partner nitong si Eric Gutierrez, na umano’y kasosyo sa negosyo ni Liberal Party stalwart at Caloocan Rep. Edgar Erice sa Agusan.

“They paid for this flight. Buddy Zamora is a financier of Mar Roxas,” paliwanag ni Bautista.

Inakusahan ni Bautista si Mercado ng pagsisinungaling sa Senate Blue Ribbon sub-committee nang sabihing siya mismo ang kumuha ng mga litrato at video sa naturang farm na pag-aari ng Sunchamp.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“He was not (on the flight). He was lying when he said he was there,”sabi ni Bautista.

Hawak ni Bautista ang flight plan mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), na roon nakasulat ang listahan ng mga pasahero ng helicopter tulad nina Dexter Estacio, Marl Jogardi at Ariel Olivar.

Si Estacio ay isang graphic artist na nagtatrabahao naman kay Senaor Alan Peter Cayetano sa Taguig City Hall.

Tiwala si Bautista na si Roxas ang nasa likod ng planong pagwasak kay Vice President Jejomar Binay na nagpahayag na tatakbo sa pagka-pangulo sa 2016 elections.

“This is a well-funded, well-financed, well-organized conspiracy, the principal aim of which is to destroy the chances of Vice President Binay to become the next President in 2016,” aniya. “This conspiracy goes up only to Mar Roxas,” dagdag pa nito.