Sinibak ng Office of the Ombudsman ang dalawang tauhan ng regional field unit ng Department of Agriculture at isang instructor ng Bulacan Agricultural State College (BASC) dahil sa paglustay ng pondo para sa programang Ginintuang Masagang Ani-High Value Commercial Crops (GMA-HVCC).

Sa 24-pahinang desisyon, sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na napatunayang guilty sa grave misconduct at serious dishonesty sina Ponciano Vinuya, regional field unit (RFU) coordinator ng DA; at Julita Ponce, isang BASC instructor.

Napatunayan ding guilty sa serious dishonesty ang isang RFU cashier na si Elena Miranda.

Lumitaw sa record na inilaan ng Philippine Coconut Authority ang P4.9 milyon pondo ng GMA-HVCC sa DA-RFU.

National

PBBM sa impeachment complaints vs VP Sara: 'The timing is very poor'

Subalit sa special audit report na isinumite ng Commission on Audit (CoA) sa OMB, nadiskubre na ang mga official receipt, voucher at iba pang dokumento na ginamit sa liquidation ng pondo ay pinalsipika at ang aktuwal na halaga na ibinayad sa Philippine Agriculture and Resources Research Foundation (PARRFI), na nagserbisyo sa programa sa halagang P3 milyon, ay umabot lamang sa P150,000 at hindi P750,000, tulad nang idineklara ni Miranda.

Nang beripikahin ng CoA, nabatid na wala ring naganap na training sa mga paaralan at lumitaw na overpriced ang mga pagkain para sa mga participant base sa mga resibo na nilagdaan ni Ponce para sa Dang’s Catering Services. - Jun Ramirez